MANILA, Philippines - Binalaan na ng kaniyang mga doktor si Senator Miriam Defensor-SanÂtiago na posible itong maÂkaranas ng ikalawang stroke kung hindi titigilan ang pulitika at papasok sa pagbabalik ng sesyon ng Senado sa Lunes.
Ayon sa statement ng tanggapan ni Santiago, daÂÂlawang doktor na ang nagpayo sa senadora na huwag magreport sa Lunes at huwag na munang makinig ng mga baÂlitang pulitikal.
Inihayag kamakalawa ng tanggapan ni Santiago na pumutok ang ugat sa kanang mata nito dahil umabot umano sa 184/100 ang blood presÂsure ni Santiago ng gumising ito noong Huwebes ng umaga.
“If Sen. Santiago reports to the Senate on Monday, she might have a sudden rise in blood pressure and suffer either a stroke or a heart attack. She already had a mild stroke some ten years ago,†sabi ni Dr. EspeÂranza Cabral.
Ipinaalala umano ni Dr. Cabral, dating director ng Heart Center, kay Santiago ang medical history ng pamilya nito kung saan dalawang naÂkababatang kapatid na lalake ng senadora ay magkahiwalay na namatay sa heart attack habang sila ay natutulog.
Samantala, inihayag naman ni Dr. Rodolfo Chuanico, ophthalmologist ni Santiago na ang blood clot sa mata nito ay isang warning na kung tataas muli ang kanyang blood pressure ay posibleng magÂdulot ng stroke.
Ayon pa kay Chuanico, ang pagputok ng ugat sa mata ng senadora ay indikasyon na nagkaroon ito ng mild stroke matapos ang TV interview noong Huwebes pero suwerte lamang umano na ang stroke ay tumama sa mata at hindi sa utak ng senadora.