‘Naghihingalong ilog sa MM sagipin’

MANILA, Philippines - Iginiit ng grupong Greenpeace sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gumawa ng matitinding hakbang upang maisalba ang mga naghihingalo at maduduming ilog sa bansa laluna sa Metro Manila.

Ayon kay Abi Aguilar, Toxics Campaigner for Greenpeace Southeast Asia, bukod dito dapat na magpatupad ang pamahalaan ng pollution disclosure o ng mandatory reporting ng mga pabrika hinggil sa chemical waste na nililikha ng mga ito mula sa kanilang operasyon para maiwasang makapaminsala pa ito sa mga tao at kapaligiran.

Nanawagan ang grupo sa DENR na alisin ang mga nalalamang nakakalasong kemikal upang mapangalagaan ang mga ilog sa bansa.

Ang water pollution ay isa sa pinaka malaking problema ng Pilipinas sa ngayon na hindi pa rin napapangalagaan ng husto ng DENR.

 

Show comments