MANILA, Philippines - Opisyal na iluluklok ngayong araw si Lt. Gen. Emmanuel Bautista bilang ika-44 Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gaganaping turnover ceremony sa Camp Aguinaldo.
Si Bautista na miyembro ng ruling Philippine Military Academy (PMA) Class 1981 ang napili ni PaÂngulong Aquino na humalili kay outgoing AFP Chief of Staff Gen. Jessie Dellosa, ng PMA Class 1979 na bababa na ngayong araw sa puwesto, o apat na araw na maaga sa kaniyang ika-56 taong kaarawan (Enero 20), na compulsory age retirement sa AFP.
Si Bautista ay anak ng yumaong si dating Brig. Gen. Teodulfo Bautista, na nagbuwis ng buhay sa ambush sa Sulu matapos na linlangin ng grupo ng MNLF na nagpanggap na susuko sa pamahalaan may 35 taon na ang nakalilipas noong kasalukuyan pang kadete sa PMA ang kaniyang anak.