MANILA, Philippines - Nagpakita rin ng kakaibang debosyon ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) kahapon sa pista ng Itim na Nazareno sa pamamagitan ng paghakot sa tone-toneladang basura ng mga deboto at paggamot sa mga hinihimatay at nahihilong naki-prusisyon.
Bukod sa mga debotong may bitbit na replica ng Nazareno, nakasunod din sa prusisyon ng Black Nazarene ang mga street sweepers ng MMDA. Ito’y para agad na maghakot ng mga basurang iniwan ng mga nakiisa sa prusisyon.
Sa kabila ng panawagan ng ahensya sa mga deboto bago ang “Traslacion†na magdala ng kanya-kanyang basurahan at huwag magkalat sa ruta ng prusisyon, tambak pa rin ang mga basurang dinatnan ng mga naglilinis na agad namang winawalis at hinahakot ang mga basura.
Sa naturang diskarte ng mga street sweepers, mas maiging bumuntot sila sa prusisyon upang agad na malinis ang mga kalat para hindi na bumulaga sa publiko ang mga basurang iniwan ng mga deboto.
Karamihan umano sa mga basurang nahakot ay mga bote na ang marami ay may laman pang tubig.