MANILA, Philippines - Umapela ang EcoÂWaste Coalition sa mga deboto ng Itim na Nazareno na iwasan ang pagkakalat kasabay ng paggunita ng Pista ng Quiapo sa Miyerkules.
Ayon sa EcoWaste Coalition, gawing “garbage-free†o “basura-free†ang okasyon lalo pa’t debosyon ang kailangan na ipakita dito ng mga deboto.
Anang grupo, mayroon namang mga tamang lugar na tapunan ng basura at hindi sa kalsada na nakakadagdag pa ng balakid sa pagdaan ng prusisyon.
Noong nakalipas na pista ng Itim na Nazareno ay tone-toneladang basura ang naiiwan hindi lamang sa mga lansaÂngang dinaanan ng Black Nazarene kundi mismo sa Quirino Grandstand kunsaan isinagawa ang tradisyunal na vigil at pahalik sa Itim na Imahe.
Ayon sa grupo, dapat na panatilihin ng mga deboto ang kalinisan lalo na sa paligid ng Quiapo Church at mga lugar na dinaraanan ng prusisyon.
Ito’y pagpapakita ng kanilang tunay na paÂnanampalataya at respeto sa santo.