Calabarzon PNP: kinondena sa Kawit massacre

MANILA, Philippines - Kinondena kahapon ni Senator Ramon Bong Revilla Jr. si  Philippine National Police (PNP) Calabarzon Regional Police Director Chief Superintendent James Melad  sa pagkamatay ng 9 katao, kabilang ang isang buntis at pagkasugat ng siyam na Caviteños sa Barangay Tabon I, Kawit kamakalawa.

Ayon kay Revilla napakarami ang nadamay sa nasabing walang habas na pamamaril ng suspek na lango sa ipinagbabawal na gamot dahil umabot umano sa 30 minuto bago naka-responde ang PNP units sa Kawit at halos isang oras naman ang Provincial Command.

Naniniwala si Revilla na palusot na lamang ng pulis ang sinasabing pagka-delay sa pagrereport ng insidente kaya hindi kaagad sila naka-responde.

“Ang sabi ng Chief of Police ay mahigit 30 minutes na ang lumipas bago nai-report sa kanya yung insidente kaya mahigit 30 minutes ang inabot bago sila naka-responde.  Palusot na lang ‘yun.  Nagkakaputukan na, ‘di pa nila alam? Eh bagong taon pa lang, nireport na sa kanila na nagpapaputok na pala itong suspek,” ani Revilla.

Ilang residente na tumangging magpabanggit ng pangalan ang nag-report na umano sa pulisya ng pagpapaputok ng baril ng suspek noong Enero 2 pa lamang.

Na-obserbahan din umano ng mga residente ng barangay ang kawalan ng training ng mga pulis na rumes­ponde sa pinangyarihan ng krimen dahil hindi nila alam kung ano ang gagawin.

 â€œThere was no ground commander, there was no control of the area, and no evacuation area was esta­blished for the victims and those wounded,” ani Revilla.

Show comments