MANILA, Philippines - Tatlong mamapalad na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang tumanggap ng award at cash na halos umaabot sa P300,000 matapos na mapili sa isinagawang “Presidential Salubong†sa Ninoy Aquino International Airport nitong Disyembre.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang dalawa sa tatlong OFWs na napili ay sina Mary Grace Arcebuche, 40, isang single parent, ng Fairview, Quezon City, isang beautician at Romeo N. Ocampo, tubong Angeles City, Pampanga, chassis welder at pawang nagtatrabaho sa Qatar. Sila ay tumanggap ng cash at gift prizes kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa isinagawang seremonya kahapon sa DOLE sa ilalim ng programang “Pamaskong Handog sa OFWs 2012â€.
Sinaksihan ng mga opisyales ng DOLE na sina Labor Undersecretary Danilo P. Cruz, OWWA Administrator Carmelita S. Dimzon, Deputy Administrator Josefino Torres, kanilang pamilya at kaibigan at mga kinatawan ng institutional corporate partners ang nasabing awards handover.
Nauna nang tinanggap noong Disyembre 20 ni Virginia Tulagan Miranda, tubong San Carlos, Pangasinan, isang HSW sa Dubai, ang kanyang premyo mula mismo kay PaÂngulong Aquino pagdating nito sa Pilipinas.