MANILA, Philippines - Sampu katao ang namatay kabilang ang gunman habang 11 iba pa ang nasa kritikal na kalagayan makaraang mag-amok at mamaril ang isang mister na pinaniniwalaang bangag sa droga sa Barangay Tabon sa bayan ng Kawit, Cavite kahapon ng umaga.
Kabilang sa mga napatay sina Alberto Fernandez, 55; Mikaela Andrea Quimul, 7; buntis na si Rhea Alberto, 34; Gilbert “Boyet†Toledo, trike driver; Irene Funelas, 38, fruit vendor; Al Orio at ang iba pa na bineberipika ang pagkakakilanlan.
Sugatan naman sina Ricky Diola Dumitig, 17; Maricel Pal Santiaguel, 30; Chen xhewn Clamoc, Kevin Magararo Palada, Ken Cedric Caimol, 5; Cheveri Jaminal Ayson at si Antonio Orio.
Kinilala naman ang namaril na si Ronald Bae ng Barangay Tabon 1 na napatay din ng mga pulis.
Si Bae na sinasabing anak ng dating chief security ng ex-governor ay kumandidatong barangay chairman sa kanilang lugar pero natalo noong nakalipas na halalan.
Sa inisyal na ulat ni P/Senior Supt. Alexander Rafael, Cavite provincial PNP director, bandang alas-9:30 ng umaga nang magsimulang mag-amok at mamaril si Bae gamit ang cal. 45 pistol.
Isa namang alyas John Paul ang tinutugis ng pulisya matapos na iturong kasama ni Bae na taga-reload o nagkakarga ng bala sa baril na ginamit sa pamamaril. Nag-alok na si Cavite Gov. Jonvic Remulla ng halagang P.1 milyong reward para madakip si Paul.
Lumilitaw na HuweÂbes pa lamang ay laÂsing na si Bae at bigla na lamang nagwala kiÂnaumagahan.
Lahat nang makasalubong sa kalsada ay pinagbabaril at pinasok ang tahanan ng mga kapitbahay na kaniya ring pinaputukan ang inabutang mga tao na ikinasawi ng mga biktima.
Sinabi ng opisyal na pito sa mga residenteng pinagbabaril ni Bae ay nasawi sa ospital habang patuloy namang ginagamot sa iba’t ibang pagamutan sa Kawit ang mga sugatan.
Tinangkang arestuÂhin ng mga pulis si Bae pero pumalag kaya napilitan ang arresting team na barilin kung saan idineklara itong patay sa ospital.
Sinasabing may problema sa pamilya si Bae at may hinahanap na kaibigan at nang hindi matagpuan ay nairita saka namaril. (Dagdag ulat ni Cristina Timbang)