MANILA, Philippines - Dalawang matandang preso ng New Bilibid Prison ang pinagkalooban ni Pangulong Aquino ng executive clemency.
Kinilala ni Justice Secretary Leila de Lima ang dalawang binigyan ng commutation of sentence na sina Arsenio Flores, 72, na ibinaba sa 7 hanggang 12 taon ang hatol na pagkakakulong mula sa 8 hanggang 14 na taon, at Francisco Alimpos,73, na ibinaba sa 10 hanggang 15 taon ang hatol mula sa 12 hanggang 20 taon.
Sinabi ni de Lima na matapos pagkalooban ng commutation of sentence, kwalipikado na ang dalawang nabanggit na bilanggo na mag-apply para mabigyan ng parole upang makalaya.
Mahigit limang taon nang bilanggo si Flores matapos mahatulan ng mahigit 8 taong pagkakakulong sa kasong murder habang mahigit 9 taon na sa bilangguan si Alimpos na nahatulang makulong ng mahigit 12 taon kaugnay sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.