MANILA, Philippines - Mayroong 13 national bills na isinulong ng Kamara ang naghihintay na lamang ng pirma ni Pangulong Aquino.
Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., nalalapit ng maging ganap na batas ang mga panukalang batas habang kasalukuyang nakabinbin sa bicameral conference conference ang diskriminasyon laban sa mga kababayan at ang panukalang bayaran ang mga biktima ng human rights noong rehimeng Marcos sa muling pagbubukas ng sesyon sa huling linggo ng Enero.
Bukod sa mga nabanggit na panukala, kabilang din dito ang nagtatakda sa lahat ng botante na makuhanan at magkaroon ng biometric para tuluyang malinis ang electoral process, panukalang maagang pagboto ng mga miyembro ng media; strengthening tripartism, pag-amyenda sa Labor Code, ethnic at racial discrimination at ang Act strengthening conciliation-mediation as a voluntary mode of dispute settlement.
Nakabinbin pa rin sa bicameral committee level ang pagreporma sa hudikatura kabilang na dito ng pagtatayo ng karagdagang branches ng Regional Trial Courts at Municipal Trial Courts upang mas madaling maabot ng lahat ng ordinaryong tao ang hudikatura.
Matatandaan na nauna nang pinirmahan ng Pangulo noong nakaraang linggo ang Sin Tax bill, Reproductive Health (RH) bill at ang Kasambahay bill na nakabinbin sa Kongreso ng mahigit sa 10 taon.