P1M puslit na plywood nasakote

MANILA, Philippines - Muling umiskor ang mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commis­sioner Ruffy Biazon ma­ta­pos na masabat ang smug­gled imported na ply­wood na nagkakahalaga ng mahigit sa P1 milyon sa Manila International Con­tai­ner Port (MICP) sa Maynila.

Iprinisinta kahapon nina Biazon at Richard Rebong, hepe ng Intelligence Division ng BoC sa mga mamahayag ang nasabat na smuggled imported na plywood.

Base sa report na natanggap ni Biazon, ang naturang mga kontrabando ay unang idineklarang “particle board” na nakalagay sa loob ng dala­wang forty-footer con­tainer vans.

Subalit nang magsa­gawa ng inspection ang operatiba ng BoC, napag-alaman na naglalaman ito ng napakaraming plywood na nagkakahalaga ng P1.6 million at nagmula ito sa Shandong, China.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang BoC mula sa kanilang mga impormante na papasok sa Pilipinas ang na­banggit na mga kontra­bando, bunsod para ma-intercept ang mga smuggled na plywood ng mga taga BoC na mahigpit na nagbabantay sa MICP.

 

Show comments