UP analysts: Jueteng issue vs Gov. Espino, pulitika lang

MANILA, Philippines - Naniniwala ang mga political analyst at mga propesor sa University of the Philippines (UP) na ang ginawang paglalan­ tad ni Bugallon, Panga­si­nan Mayor Rod­rigo Or­­duna kung saan itinuro si Pa­ngasinan Governor Amado Espino na protektor umano ng jueteng sa na­sabing lalawigan ay ma­liwanag na “politically motivated”.

Ayon kay Dr. Perla Legaspi, director ng UP for Local and Regional Governance at dating UP vice chancellor, kuwestiyunable ang timing ng expose ni Orduna.

Sabi ni Legaspi, normal na ang paglalabas ng mga baho at mga negatibong kuwento laban sa isang pulitiko kapag nalalapit na ang eleksiyon.

Ayon naman kay Socio­logist Louise Abigail Payuyo, matagal at lumang isyu na ang jueteng sa bansa subalit wala namang ginagawa ang mga kinauukulan dito.

“Ilang pangulo na natin ang nagsalita hinggil sa kampanya laban sa jueteng pero wala namang nangyari diba?” ani Payuyo.

Kasabay nito, ipinag­tanggol naman ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) si Espino ka­sabay ang pagsabi na “hinaharas” ng administrasyon ang manok nila sa Panga­sinan.

Ayon kay NPC Pangasinan Chairman Cong. Mark Cojuangco, itinaon ang expose matapos lu­mabas sa survey na la­lam­pasuhin ni Espino sa pagka-gobernador ang kandidato ng Liberal Party sa naturang puwesto na si Alaminos Mayor Hernani Braganza.

“Kung talagang gusto ni Orduna masawata ang jueteng bakit si Espino ang isiniwalat niya at hindi iyong mga pinagkukunan niya ng jueteng pa­yola tulad ng mga operator mismo?”, tanong ni Cojuangco.

 

Show comments