MANILA, Philippines - May personal assessment umano si Senator Miriam Defensor-Santiago na baka mapatalsik si Senate President Juan Ponce Enrile bilang lider ng Senado sa Enero o Pebrero dahil umano sa magkaibang posisyon nito sa Sin Tax at Reproductive Health (RH) bill na kontra sa posisyon ng Palasyo lalo’t sinertipikahan ng Pangulo na urgent ang RH.
Agad namang itinanggi ng Malacañang na may planong palitan si Enrile dahil sa magkaibang posisyon nito ukol sa Sin Tax at RH bill.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang plano ang Palasyo na makialam sa pagbabago ng liderato ng Senado.
Aniya, maganda ang relasyon ni Pangulong Aquino kay Sen. Enrile kahit mayroon itong pag kakaiba sa posisyon ng Palasyo sa ilang isyu.
“As far as we are concerned, ok naman po tayo with the Senate President,” paliwanag pa ni Valte kahapon.