Pinoy TNT sa Italy gagawing legal

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga Pinoy TNT (tago ng tago) sa bansang Italya na gawing legal ang pananatili doon.

Dapat aniyang samantalahin na ngayon ng mga TNT ang batas na “Sanatoria 2012 for illegal immigrants, na nag-aatas sa mga European employers na kumuha ng working permit para sa kanilang mga illegal employees.

Ani Baldoz, sa pamamagitan nito ay magiging lehitimo ang pananatili ng mga Pinoy na iligal pa ang pananatili sa Italya at maiiwasan na maaresto at madeport pabalik ng Pilipinas.

Batay sa tala ng DOLE, tinatayang nasa isan­daang libo ang mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa italya sa kasalukuyan.

 

Show comments