Kaso ni SB, et al dinismis ng Ombudsman

MANILA, Philippines - Dinismis kahapon ng tanggapan ng Ombudsman ang kasong kriminal at administratibo ng noo’y QC Mayor at ngayo’y House Speaker Feliciano “SB” Belmonte at iba pang opisyal ng QC hall kaugnay ng kinasasangkutang kasong paglabag sa section 3 ng RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Grave misconduct dahil sa ginawang paggiba sa ilang kabahayan sa may University of Manila na nasa boundary ng QC at Maynila noong November 2009.

Kasama sa inabsuwelto sa naturang kaso sina Tadeo Palma, secretary to the mayor; Marlowe Jacutin, Head Task Force COPRISS (Control and Prevention of Illegal Structures and Squatting); Roberto dela Cruz, Police Inspector; Police Officers Rolando Nabor,Elmer Nepomuceno, and Christopher Gatan; University of Manila (UM) President Emily Dodson de Leon; Brgy. Culiat Chairman Jaime Garcia gayundin sina private security guards Elmer Miken. Francisco Cuevas at Nacer Mama Karim.

Sa pitong pahinang resolusyon na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, kinilala nito at binigyang bigat ang paliwanag ng mga respondent na naisagawa nila ang pagdemolis sa mga kabahayan gamit ang naipalabas na Writ of Execution ng QC Regional Trial Court.

Kinilala din ng korte ang paliwanag ng mga respondents na ang lote ng mga complainant  ay hindi sa kanila kundi sa University of Manila kaya’t ang UM lamang ang siyang may karapatan na magsagawa ng improvements sa lupa at siya ring may karapatan na magtayo at mag-demolish ng anumang nasa lupaing pag-aari nila.

Noong 2009 nasampahan ng kaso ang mga nabanggit ng ilang residente sa lugar na umuukopa sa property matapos ang ginawang paggiba sa kanilang mga istraktura ng mga elemento ng QC hall.

 

Show comments