MANILA, Philippines - Lalu pang tumindi ang lamig ng panahon sa Baguio City at lalawigan ng Benguet makaraang bumaba ang antas ng temperatura kahapon.
Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil umabot na sa 13.5 degrees Celcius ang pinakamalamig na temperatura na nararamdaman, mas mababa kumpara noong isang araw na aabot sa 14.0 degrees Celcius dulot ng umiiral na cold front sa buong Luzon.
Hindi naman ito magdudulot ng mga pag-ambon at pag-ulan ngunit magiging maulap ang papawirin.
Bunsod nito, tiniyak ng PAGASA na bababa pa ang temperatura sa City of Pines sa pagpasok ng Pasko hanggang sa buwan ng Pebrero ng susunod na taon.