MANILA, Philippines - Kalabisan na umano ang planong pagdedeploy ng China ng patrol ship sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea (Western Philippine Sea) na isang malinaw na paglabag sa ‘international passage’.
Sinabi ni AFP-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen Juancho Sabban na habang patuloy na gumagawa ng hakbang ang Pilipinas para sa mapayapang solusyon sa sigalot sa Spratly Island ay patuloy ang kapangahasan ng China.
Ang pahayag ni Sabban ay bilang sagot sa anunsyo ng China na magdedeploy ito ng mga border police patrol sa South China Sea upang itaboy ang mga barko ng mga dayuhang napapagawi sa lugar.
Ito raw ay bilang tugon naman ng China sa pagkuwestiyon ng Pilipinas sa bagong passport ng nasabing bansa na may mapa ng South China Sea.
Bukod sa Spratly Islands ay inaangkin rin ng China ang Scarborough Shoal na nasa 124 milya ng Masinloc, Zambales.