MANILA, Philippines - Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang limang opisyal ng Aman Futures Group kahapon makaraang masangkot sa kontrobersiyal na pyramiding scam na umabot sa mahigit P12-bilyon.
Ang mga sumuko ay kinilalang sina Leila Lim Gan, Edmund G. Lim, Wilanie Fuentes, Nazelle Rodriguez at Lurix Lopez.
Ang lima ay nagbigay na ng sinumpaang salaysay at nangakong makikipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ)
Ibinunyag umano ng lima kung paano pinatatakbo ang operasyon sa investments at mga assest ng nasabing kumpanya .
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ngayong araw ang simula ng preliminary investigation at naniniwala siya na ang pagsuko ng lima ay bunga na rin pagiging respondents nila sa may mahigit 9,000 complaints na inihain sa Pagadian.