Usapin sa RH bill… Kamara, magpapasaklolo sa Pangulo

MANILA, Philippines - Magpapasaklolo na kay Pangulong Noynoy Aquino III ang liderato ng Kamara upang maresolba na ang kontrobesyal na Reproductive Health (RH) bill at masertipikan na bilang urgent upang maaprubahan ito bago mag break ang kongreso sa Disyembre 22.

Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte, makiki­pag-meeting siya sa Pangulo upang maging malinaw kung ano ang magiging direksyon ng RH bill sa kabila ng pagpapahayag nito ng suporta sa nasabing panukala.

Paliwanag pa ni Belmonte, ang posibleng pag sertipika ng pangulo sa RH bill bilang urgent measure ay makakatulong upang maisulong ang pag apruba rito.

Samantala, naniniwala naman si Cibac party list Rep. Sherwin Tugna na karamihan sa kanyang mga kasamahang kongresista ay nakakaramdam ng pressure mula sa simbahang katoliko upang tutulan ang kontrobersyal na panukala.

Alam naman umano ng lahat na mayorya sa Pilipinas ay katoliko kayat ang ibang kongresista na nakadepende ang boto sa mga tao ay mag iisip ng isang daang beses bago pumabor sa Rh bill.

Show comments