‘Catholic vote’ ipatikim sa 2013 -- Obispo

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Ca­tholic Bishops Confe­ rence of the Philippines (CBCP) sa mga mana­nampalataya na patuna­yan ang pagiging tunay na Katoliko sa 2013 midterm elections.

Ayon kay  CBCP-Epis­copal Commission on Fa­mily and Life vice chairman Lipa Archbishop Ramon Arguelles, napa­panahon at kailangan ng manindigan ang mga Katoliko sa pamamagitan ng pagtanggi sa mga kandidato na hindi sumusunod sa kautusan ng Diyos.

Sinabi ni Arguelles na kailangan ng iparamdam ng mga Katoliko sa nalalapit na halalan sa Mayo ang minamaliit na “Catholic vote”.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na maiiwasan la­ mang ang “ethnic cleansing, contraceptive mentality, paglaganap ng moralidad, pagkasira ng pamilya at promiscuity sa Pilipinas kapag inihalal ng mamamayang Pilipino ang mga kandidatong nagmamahal sa buhay at hindi sumisira rito.

Binigyan diin naman ni Batanes Bishop Ca­milo Gregorio na walang kapasidad o beyond sa competency ng mga Senador at Kongresista na sabihin kung kailan nagsisimula ang buhay ng tao.

Nakakatawa anyang isipin na maging ang definition ng “when life begins” na base sa natural law ay pilit na binabago ng mga mambabatas na nagsusulong ng RH bill.

Ipinagdarasal na lamang ni Bishop Gregorio ang mga nagsusulong ng RH bill na mabago o ma-convert sila at manindigan sa pagpapahalaga ng buhay.

 

Show comments