MANILA, Philippines - Nalustay umano ang P352.68 million sa confidential intelligence funds (CIF) ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa huling tatlong taon ng Arroyo administration.
Sa dokumentong nilag daan ni Mercedes J. Hinayon, acting manager ng treasury department ng PCSO, si dating PCSO general manager Rosario Uriarte ay nag-withdraw ng P352.68 mula sa PCSO CIF mula 2008 hanggang June 2010.
Ang general manager at chairman ng PCSO ay may karapatang tumanggap ng taunang CIF na P5 million kada taon.
Ang CIF ay unang ipinatupad sa Estrada administration para pondohan ang charitable activities at proyekto ng ahensya sa poorest of the poor, partikular ang mga nasa malalayong lugar.
Ibinunyag din ni Hinayon na si dating PCSO chairman Sergio Valencia ay gumastos lamang ng P13.31 million sa CIF mula 2008 hanggang 2010, na mas mababa pa sa authorized na P15-million allocation para sa three-year period.
Sina Uriarte at Valencia, kasama ang iba pang dating PCSO officials, ay co-accused ngayon sa plunder case na kinakaharap ni dating President Gloria Arroyo.