‘Cashpoint’ hindi raw checkpoint ang ginagawa ng PNP sa motorcycle riders

MANILA, Philippines - “Cashpoint” at hindi checkpoint ang ginagawa ng Philippine National Police (PNP) sa mga nag­ mo­motorsiklo.

Ayon kay Atoy Sta. Cruz, director for Admi­nistration ng Motorcycle Philippine Federation sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan, bagama’t hindi siya tutol sa ipina­patupad na checkpoint ng ka­pu­lisan, hindi naman ito kum­binsido sa pro­seso ng pag-iinspeksiyon.

Aniya, tila hindi naman ang “violations” ang hinaha­nap ng mga awtoridad  kung nag-iins­peksiyon sila sa mga nagmomotorsiklo kundi “pera”.

“Di ba kung iniinspek­siyon nila ang mga nagmomotorsiklo ay inaalam kung may dala itong patalim o baril, pero hindi ganun ang nangyayari kundi tila “pera” ang hinahanap.

Paliwanag pa ni Sta. Cruz na kung wala uma­nong nakitang violations ang mga awtoridad ay hinahanapan ang mga nag­momotorsiklo ng ibang violations katulad ng diperensiya sa ilaw, makina o kahit ano pang violations na dapat ay trabaho na umano ng Land Transportation Office (LTO).

Plano ulit ni Sta. Cruz na makipagdayalogo sa pamunuan ng PNP para sa kanilang karaingan.

 

Show comments