Abusadong driver ng NHCP sinibak na!

MANILA, Philippines - Sinibak na ng pamunuan ng National Historical Commission of the Philippimes (NHCP) ang driver nito na inireklamo dahil sa umano’y pagmumura sa isang motorista na na-trauma matapos ang insidente sa isang trapiko.

Matatandaan sa rek­lamo ng biktimang nagpatago sa pangalang Gerlie, ginitgit sila ng isang Toyota Grandia sa kahabaan ng Quirino Ave. at Taft Ave. noong Oktubre 30, 2012. Base sa nakuhang plaka na SHJ-620, naka-isyu ang sasakyan sa NHCP.

Sa ginawang imbestigasyon ng NHCP at base sa resulta nito, ang nasabing contractual driver ay tinanggal na nila sa ahensiya. Ang hakbang ay bilang aksiyon sa naging reklamo laban dito.

Show comments