MANILA, Philippines - Umusad na sa Kamara ang kontrobersiyal na Freedom of Information (FOI) bill matapos ang ilang buwan pagkakaantala nito.
Bunsod nito ay umaasa si Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng House Committee on Public Information na magiging maayos ang debate ng mga kongresista sa hearing sa gitna ng paggigiit ng ilan na isingit dito ang probisyon ng Right of Reply.
Nilalayon sa Right of Reply na bigyan ng patas na tsansa na agad na makasagot ang isang taong laman ng negatibong balita.
Ayon naman kay House Deputy Speaker Erin Tanada, pakikinggan niya kung paano dadalhin ng chairman ng komite ang hearing.