MANILA, Philippines - Umaabot sa 19 na karagdagang mga grupo ang ‘di papayagan ng Commission on Elections (Comelec) na makalahok sa party list elections sa susunod na taon.
Labing apat sa mga ito ay dati nang tumakbo sa party list elections pero tinanggalan ng accreditation.
Kabilang dito ang Cocofed, Aama, Bayani, Abang-lingkod, Aan, iA-ipra, Ame, Greenforce, Firm 24-K, Alim, Alma, Kaagapay, Anad at Smart.
Dalawa namang grupo ang ‘di pinayagan na sumabak sa party list elections, pero pinananatili ang pagkilala bilang mga political party na kinabibilangan ng Kabaka at Alliance of Bicolnon party.
Tatlo naman ang mga bagong aplikante na ‘di binigyan ng accreditation at ito ang Kalikasan, A-seamariners at Edsa.