Aquino sisters nag-donate ng P14M sa Akbayan partylist

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol ng Malacañang ang pagiging campaign contributors ng mga kapatid ni Pangulong Aquino sa Akbayan Partylist group noong 2010 polls.

“The sisters continue to be private citizens, and they can contribute to groups which they feel would support the President’s reform and anti-corruption programs,” wika ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Kabilang sa mga major contributor ng grupo ni Rissa Hontiveros ay sina Presidential Sistera Kris Aquino na nagbigay ng P10 milyon, Ballsy at Viel na kapwa nag-donate ng tig-P2 milyon.

Ang kabuuang nakolektang campaign fund daw ng Akbayan ay P112 milyon na ginamit nito noong 2010 elections kung saan ay natalo din si Hontiveros na tumakbong senador sa ilalim ng Liberal Party.

Hinihiling ng Anakbayan na madiskwalipika ang Akbayan dahil hindi naman ito tunay na marginalized sector kundi nagsisilbing ‘lapdog’ ng Palasyo dahil malapit ito sa Aquino government kung saan ang ilang miyembro nito ay nakaupo sa gobyerno.

Kabilang sa mga miyembro ng Akbayan na nasa gobyerno sina political adviser Ronald Llamas, CHR chair Etta Rosales at NAPC chief Jose Rocamora.

 

Show comments