Ina ni Ai Ai pumanaw na

MANILA, Philippines – Sinariwa ng komedyanteng si Ai Ai delas Alas ang masasayang ala-ala niya sa kanyang ina na pumanaw ngayong Lunes.

Inanunsyo ni Ai Ai sa kanyang Instagram account na namayapa na ang kanyang ina na may Alzheimer's Disease.

"Kanina ng mag mir ka ang sarap ng pakiramdam ko na nagkasama tayong 2 lang sa loob yun na pala yun..." sabi ni Ai Ai.

 

"Alam ko nung kinuha ako sayo nung baby pako nagkasakit ka ng tatlong bwan sa lungkot...ngayun ako naman ang nalungkot kahit alam kong kasama ka na ng ating panginoon...sobra kitang ma mi miss pati mga followers ko na inaabangan ka sa ig lahat ng mga cute moments natin..." dagdag pa ng Kapamilya star.

Kahit hindi na makakasama ni Ai Ai ang kanyang ina sa pagsalubong sa Bagong Taon, nananatiling positibo ang komedyante.

"Pahinga ka na nay alam kong napagod ka ng ilang araw...happy new year.. kahit wala ka na alam ko makikita mo kami na magdiriwang sa pagpasok ng bagong taon kasama mo na si tatay magkikita na kayo..." sabi pa ni Ai Ai.

Sa huli ay pinasalamatan niya ang taong nagsilang at nagbigay buhay sa kanya.

"PAALAM SA NABIGAY SAKEN NG BUHAY... MARAMING SALAMAT NAY... Mahal na mahal kita..."

Show comments