Bangkay natagpuang lumulutang sa ilog Pasig

MANILA, Philippines – Palutang-lutang na bangkay ng isang lalaki ang natagpuan sa ilog Pasig, Huwebes ng gabi.

Ayon sa isang ulat sa radyo, bandang alas-11 ng gabi nang makita ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lakaki sa bahagi ng ilog Pasig sa Sta. Ana, Maynila.

Sa tantsa ng mga awtoridad nasa pagitan ng 20 hanggang 26 anyos ang bangkay na may taas na 5’4 hanggang 5’6.

Base sa pangunang imbestigasyon ng Manila Police Homicide Division, higit 12 oras nang patay ang biktima nang makitang palutang-lutang sa ilog.

Walang tama ng bala o saksak ang biktima, ayon pa sa mga pulis.

Inaalam pa ng mga awtoridad hanggang sa ngayon ang pagkakakilanlan at ikinamatay ng biktima.

Show comments