MANILA, Philippines – Walang patakaran na bawal ang gumamit ng mga gadgets sa loob ng Senate session hall, ayon sa isang senador.
Sinabi ni Senator Francis "Chiz" Escudero ngayong Huwebes na maaari pa namang gumamit ng mga gadget tulad ng cellphone, tablet, phablet, sa Senado.
Kaugnay na balita: Drilon kina Santiago at Enrile: Ceasefire muna
Sinabi ito ni Escudero matapos maglaro si Senador Juan Ponce Enrile sa kanyang tablet upang hindi pansinin ang privilege speech ng matinding kaawaay na si Senador Miriam Defensor Santiago.
"Wala yatang parliamentary tradition o practice tungkol dyan dahil bagong imbento lang ang iPad e. Ngayon pa lamang siguro, kung saka-sakali maglalagay ng rule na bawal maglaro ng game sa loob, kung saka-sakali," pahayag ni Escudero sa isang panayam sa telebisyon.
Kaugnay na balita: May code of ethics dapat sa Senado - Cayetano
Aniya mas maayos na rin ang paglalaro ni Enrile sa kanyang tablet kaysa sagutin si Santiago.
"[K]aysa naman inaway pa n'ya, dinagdagan pa at pinahaba pa yung kwento at may part three pa. Tama na siguro yun," banggit ni Escudero.
Sa 45-minutong talumpati ni Santiago ay binatikos niya ang dating Senate President at binansagang “psychopatic, hypersexualized serial womanizer."
Kaugnay na balita: 'Sinungaling, kriminal’
Muling itinuro ni Santiago si Enrile na mastermind ng P10 bilyon pork barrel scam.