Dating abogado ni Napoles pinagpapaliwanag ng Korte Suprema

MANILA, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang dating abogado ni Janet Lim-Napoles matapos ang kanyang pahayag sa telebisyon.

Sinabi ni Kapunan sa panayam sa kanya ng “Umagang Kay Ganda” ng ABS-CBN na may dalawang hukom na tumanggap ng suhol.

Naunang tinanong si Kapunan kung may kilala siyang mga hukom na tumatanggap ng lagay at sumagot ang abogado ng oo.

Dagdag niya na maaaring makakuha ng temporary restraining order sa Court of Appeals sa halagang P5 milyon.

Sampung-araw ang ibinigay ng mataas na hukuman para makapagpaliwanag si Kapunan.

 

Show comments