MANILA, Philippines – Pansamantalang pinatigil ni Makati Mayor Jejomar Erwin Binay ang anti-smoke belching na kampanya sa lungsod kasunod ng mga alegasyon ng pangingikil sa mga motorista.
Inutusan ni Binay ngayong Martes si City Adminsitrator Eleno Mendoza na magsagawa ng imbestigasyon sa umano’y pangingikil ng mga tauhan ng Makati Pollution and Control Office (MPCO).
Dahil dito ay nanawagan ang alkalde sa publiko na maghain ng kaso laban sa mga tauhan ng MPCO kung sila ay nakaranas ng pangingikil
“Motorists or the riding public who may have complaints against our MPCO enforcers comprising our local anti-smoke belching unit may lodge a formal complaint with the Office of the City Administrator,†pahayag ni Binay.
Umabot ang umano’y kalokohan ng mga tauhan ng MPCO matapos lumabas ang isang blog tungkol sa kanyang naranasan nang siya ay parahin sa may Kalayaan-C5.
Bukod dito ay umapaw rin ang reklamo sa Twitter account ng lungsod na @MakatiTraffic at @MakatiInfo.
“The city government does not tolerate abusive law enforcers. We have suspended ASBU operations to make way for a thorough investigation on the complaints we have been receiving from a growing number of motorists venting their frustrations on social media,†sabi ni Binay.
Aniya, mananatiling suspendido ang Anti-Smoke Belching operations habang gumugulong ang imbestigasyon.
Ipinatupad ang Makati City Vehicle Emission Control Code sa bisa ng City Ordinance No. 2004-032 na naglalayong hulihin ang mga sasakyang nagdudulot ng polusyon.