'Wilma' naging LPA uli; bagong bagyo parating

MANILA, Philippines – Humina na ang bagyong “Wilma” at naging isang low pressure area na lamang ito matapos humampas sa kalupaan ng Surigao del Sur, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.

Namataan ng PAGASA ang sama ng panahon na nakapaloob sa Intertopical Convergence Zone (ITCZ) sa 15 kilometro timog-silangan ng Tagbilaran City.

Magiging maulap ang papawirin ng Visayas, Zamboanga Peninsula, northern Mindanao at Caraga na may mahina hanggang sa panaka-nakanag malakas na buhos ng ulan na maaaring magdulot ng pagragasa ng baha at pagguho ng lupa.

Makakaranas naman ng pulo-pulong pag-ulan ang Metro Manila at buong  Luzon.

Samantala, may binabantayang bagong bagyo ang weather bureau.

Sinabi ng US Joint Typhoon Warning Center (JTWC) na gumagalaw patungong Pilipinas ang bagyo na may international name na “Haiyan.”

Papangalanang “Yolanda” ang bagyo oras na pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility.

Show comments