MANILA, Philippines – Labing-tatlong lugar na sa Luzon ang nasa ilalim ng public storm warning signal number 1 dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong “Vinta†ngayong Miyerkules.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na huling namataan nila ang bagyo sa 700 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora o 740 kilometro silangan ng Ilagan, Isabela kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ni Vinta ang lakas na 75 kilometers per hour at bugsong aabot sa 22 kph.
Signal number 1 sa:
Cagayan
Calayan Group of Islands
Babuyan Group of Islands
Apayao
Kalinga
Mt. Province
Benguet
Ifugao
Isabela
Aurora
Nueva Vizcaya
Quirino
Nueva Ecija
Inaasahang nasa 280 kilometro silangan ng Ilagan, Isabela si Vinta bukas ng umaga, ayon pa sa PAGASA.
Sa Biyernes ng umaga tinatayang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Si Vinta ang pang-22 na bagyo ngayong taon at panlima ngayong buwan ng Oktubre.