MANILA, Philippines - Umakyat na sa 195 na katao ang nasawi sa pagtama ng magnitude 7.2 na lindol sa Central Visayas, ayon sa disaster response agency.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC) ngayong Miyerkules na 181 mula sa kabuuang bilang ng mga biktima ay mula sa probinsya ng Bohol.
Umabot na rin sa 652 ang sugatan, habang 12 pa ang pinaghahahanap sa search and retrieval operations, dagdag ng NDRRMC.
Napag-alamanan ng mga awtoridad na mula sa bayan ng Antiquera ang mga nawawalang biktima.
Samantala, aabot sa 600,000 na pamilya ang nasalanta ng lindol mula sa anim na probinsya sa region 6 at 7, kung saan 13,000 dito ay nananalagi pa sa mga evacuation centers.
Tinataya namang nasa P1.07 bilyon ang halaga ng pinsala, kabilang dito ang pagkawasak ng mga makasaysayang simbahan sa Bohol.
Tumama ang matinding lindol nitong Oktubre 16 bandang alas-8 ng umaga.
Naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Sagbayan sa Bohol.