MANILA, Philippines – Pitong probinsya ang isinailalim sa public storm warning signal number 3 dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong “Santi†ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa 240 kilometro silangan ng Baler, Aurora ang mata ng bagyo kaninag alas-10 ng umaga.
Lumakas pa si Santi sa 130 kilometers per hour at bugsong aabot sa 160 kph habang gumagalaw ito pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.
Signal No.3
Aurora
Isabela
Quirino
Ifugao
Nueva Viscaya
Benguet
Nueva Ecija
Signal No. 2
La Union
Pangasinan
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Cagayan
Apayao
Kalinga
Abra
Mt. Province
Tarlac
Zambales
Bulacan
Pampanga
Northern Quezon
Polilio Island
Signal No. 1
Metro Manila
Calayan and Babuyan Group of Is.
Bataan
Rizal
Cavite
Batangas
Laguna
Lubang Islands
Rest of Quezon
Marinduque
Camarines Provinces
Albay
Catanduanes
Inaasahang tatama sa kalupaan ng Aurora-Isabela ang bagyo mamayang gabi o bukas ng madalign araw.
Kaugnay na balita: Storm signal itinaas sa 33 lugar sa paglakas ni 'Santi'
Si Santi ang ika-19 na bagyong dumaan sa bansa kung saan daraanan niya ang mga probinsya ng Isabela, Quirino, Neuva Vizcaya, Nueva Ecija, Ifugao, Benguet, Panagasinan at La Union.
Lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang si Santi sa Linggo ng umaga ngunit papasok naman ang isa pang bagyo na si “Tino.â€