MANILA, Philippines – Bibisita si Pangulong Benigno Aquino III sa Republic of South Korea sa susunod na buwan upang makipagpulong kay President Park Geun-hye, ayon sa Department of Foreign Affairs ngayong Biyernes.
Sinabi ng DFA na inimbitahan ni Geun-hye si Aquino para sa dalawang araw na pagpupulong na nakatakda sa Oktubre 17 at 18.
Ito ang unang beses na mag-uusap ang dalawa upang ayusin ang mga bilateral issues,kabilang ang politika at ekonomiya.
Sa paglipad ni Aquino sa South Korea ay makikipagpulong din si Aquino sa mga negosyanteng Koreano upang ibida ang Pilipinas at kakamustahin din ng Pangulo ang mga Pilipino sa Seoul.
Naitatag ang mabuting pagsasamahan ng Pilipinas at South Korea noong Marso 3, 1949.
Isa ang South Korea sa mga bansang kasosyo ng Pilipinas sa mga ikauunlad ng ekonomiya.
Pinakamarami ang mga Koreano bilang turista sa bansa kung saan higit isang milyon ang bumisita sa Pilipinas noong 2012.