6 suspek sa pagpatay kay Davantes kinasuhan na

MANILA, Philippines – Kinasuhan na ngayong Martes ang anim na kalalakihan na umano’y nasa likod ng pagpaslang sa advertising executive na si Kae Davantes.

Sinabi ng tagapagsalita ng Philippine National Police na si Senior Superintendent Reuben Theodore Sindac na nahaharap sa kasong qualified car theft at robbery with homicide ang mga suspek na sina Reggie Diel, Lloyd Benedict Enriquez, Samuel Decimo, Kelvin Jorek Evangelista, Jomar Pepito at Baser Minalang.

Tanging sina Diel, Enriquez, Decimpo pa lamang ang hawak ng mga pulis, habang ang nalalabing mga suspek ay nagtatago pa rin.

Tumayong complainant si Vicente Davantes nang isampa ang kaso sa National Prosecution Service ng Deparment of Justice bandang 12:20 ng tanghali.

Natagpuan ang bangkay ng 25-anyos na si Kae sa Dasmariñas, Cavite nitong Setyembre 7 ilang oras matapos siyang umalis sa kanyang opisina sa Bonifacio Global Center sa Taguig City.

 

Show comments