MANILA, Philippines – Hindi na sasali ang movie adaptation ng morning soap opera na “Be Careful With My Heart†sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sinabi ng producer ng Star Cinema sa TV Patrol na masiyadong busy ang schedule ng mga cast upang maituloy ang pelikula.
“Sayang ito. Malakas sana ito. Number one sana ito,†pahayag ni MMFF over-all chairman Francis Tolentino.
Hanggang ngayon ay nagte-taping pa rin ang Be Careful with my Heart na pinagbibidahan ni Jodi Sta, Maria at Richard Yap na mas kilala sa tawag na “Ser Chief.â€
Ang “Be Careful With My Heart†ang ikalawang pelikula na umatras ngayong MMFF.
Unang nagback-out ang entry ni Senador Bong Revilla na “My Super Kap†nitong Hulyo pa lamang at ipinalit ang “Pinoy Mutant Warrios†na pagbibidahan ni Aljur Abrenica at Rhian Ramos.
Sure na kasali sa 2013 MMFF ang “10,000 Hours,†ni Robin Padilla, “Boy, Girl, Bakla Tomboy,†nina Maricel Soriano at Vice Ganda, “My Little Bossings†nina Vic Sotto at Kris Aquino, “Pagpag†ni Daniel Padilla at Kathryn
Bernardo, “Kimmy Dora: The Prequel Kiyeme,†ni Eugene Domingo at “San Pedro Calungsod, Batang Martir†ni Rocco Nacino.