2 parak tiklo sa buy-bust ng PDEA

MANILA, Philippines – Dalawang pulis ang nadakip sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa General Santos City, ayon sa ahensya ngayong Huwebes.

Nakilala ang mga suspek na sina PO3 Fernando Alim, 49, ng Barangay Pag-asa, Kalamansig, Sultan Kudarat; at PO1 Kadil Masahod, 34, ng Barangay Malisbong, Palimbang, Sultan Kudarat.

Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. na kapwa aktibong pulis ang mga nadakip na suspek at nakatalaga sa Sultan Kudarat Provincial Police Office..

Natimbog ang dalawang pulis matapos pagbentahan ng shabu ang undercover agent ng PDEA sa Salvane Road, Barangay City Heights bandang 9:45 ng gabi nitong Lunes.

Nasabat kina Alim at Masahod ang isang gramo ng shabu, isang .45 pistol na kargdo ng limang bala, dalawang cellular phones, iba’t ibang drug paraphernalia, P500 marked money.

Nahaharap sa kasong pagtutulak ng droga ang dalawang suspek at maaaring matanggal sa serbisyo.

Show comments