Marikina river nasa critical level na, forced evacuation ipinatupad

MANILA, Philippines – Umabot na sa critical level ang tubig sa Marikina River kaya naman nagpatupad na ang lokal na pamahalaan ng forced evacuation sa mga residenteng malapit sa ilog ngayong Martes.

Inanusyo ng Marikina Public Information Office (PIO) sa kanilang Twitter account kaninang 2:54 ng hapon na umabot na sa 18 meters ang tubig sa ilog kaya naman itinaas na nila ang alert level 4 at sapilitang paglikas ng mga residente.

Nakabukas na rin ang lahat ng kanilang floodgate upang maiwasan ang pag-apaw ng tubig.

Umabot na sa 519 pamilya o 2,630 na katao ang inilikas ng lokal na pamahalaan at dinala muna sa H. Bautista Elementary School na nagsilbing evacuation area.

Mabilis umakyat ang tubig sa ilog dahil sa walang humpay na pag-ulan dulot ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong Maring.

Mula sa alert level 1 kaninang umaga ay bigla itong inilagay sa level 2.

Kaugnay na balita: Alert level 2 sa Marikina River

Bandang 1:30 ng hapon naman ay nasa alert level 3 na dahil sa 17.3 meters na ang taas ng tubig sa ilog.

Kaugnay na balita: Marikina River inilagay sa Alert Level 3

Show comments