MANILA, Philippines – Muling itinaas ang alert level 2 sa Marikina River dahil sa pagtaas ng tubig dala ng patuloy na pag-ulan ngayong Martes.
Sinabi ng Marikina Public Information Office (PIO) sa kanilang Twitter account kaninang 10:55 ng umaga na nasa 16.2 meters na ang taas ng tubig.
Nakabukas na rin ang lahat ng kanilang floodgate upang maiwasang umapaw ito.
Kahapon ay itinaas din ang alert level 2 dahil sa walang humpay na pag-ulan mula noong Linggo ng gabi kaya naman maraming residente malapit sa ilog ang inilikas.
Kaninang alas-10 ng umaga ay muling naglabas ng red rainfall warning ang state weather bureau na PAGASA kung saan inaasahang makakaranas ng malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila.
Ang hanging habagat na pinalakas ng bagyong Maring ang nananala ngayon sa Metro Manila at mga karatig na probinsya.
Kaugnay na balita: 'Habagat 2013' mas maraming ibinuhos kumpara sa Ondoy at 'Habagat 2012'