MANILA, Philippines – Confident ang Kapamilya actress na si Kaye Abad na wala silang sex video ng kanyang ex-lover na si Chito Miranda.
“Okay ako. Confident ako… Wala,†kumpiyansang pahayag ni Kaye kahapon sa pictorial ng bago niyang teleserye na “Annaliza.â€
Napag-usapan ito dahil nitong nakaraang pagsisimula ng Agosto ay kumalat ang intimate video ni Chito at ng kanyang present girlfriend na si Neri Naig. Matagal din ang pinagsamahan ni Kaye at Chito ngunit natapos ito noong 2009.
Naiintindihan ni Kaye kung bakit nasasabit ang kanyang pangalan sa usapan pero aniya mas mabuting hindi na siya magkomento sa nangyari sa ex-boyfriend.
“May mga kaibigan din akong reporters, and I promised them na hindi ako mag-co-comment about it,†sabi ni Kaye.
“Even before sa mga issues ko. I never commented sa mga controversy sa akin, lalo na kung hindi ako dawit, hindi ako involved. Para sa akin, respeto na lang doon sa dalawa,†dagdag ni Kaye. added. “Kung sila di nagsasalita, bakit ako magsasalita?â€
Kontrabida
Inamin ni Kaye na draining ang maging kontrabida sa Annaliza na umeere bago ang “TV Patrol.â€
“Malala si Stella. Yun lang masasabi ko. Malala siya,†patukoy ni Kaye sa kanyang karakter.
“Minsan, pag inaarte ko na siya, natatawa ako. Para akong baliw,†dagdag niya.