Isa pang bomba pinasabog sa North Cotabato

MANILA, Philippines – Matapos ang pagsabog sa Cotabato City na ikinasawi ng walong katao, isa na namang pagsabog ang naitala sa probinsya ng North Cotabato ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Senior Superintendent Danilo Peralta, North Cotabato police provincial director na isang improvised explosive device ang pinasabog sa harap ng isang sanglaan sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Wala namang naitalang nasawi sa pagsabog kaninang alas-3 ng madaling araw.

Naniniwala si Peralta na walang kinalaman ang panibagong pagsabog sa nangyari nitong Lunes sa Cotabato City na nag-iwan ng walong kataong sawi at 30 sugatan.

Dagdag ng pulis na magkaiba rin ang ginamit na pampasabog at magkalayo ang dalawang lugar.

Show comments