Suspek sa pananamabang sa 2 tabloid columnists kilala na

Pinagsamang larawan ni Kevin Eddy at NS Newsflash.

MANILA, Philippines – Natukoy na ng mga awtoridad ang isa sa dalawang suspek na nasa likod nang pananambang sa dalawang kolumnista sa Quezon City nitong Martes ng gabi.

Ayon sa isang ulat sa radyo, walang kinalaman sa trabaho ang naganap na pananambang sa dalawang biktima na sina Bonifacio Loreto at Richard Kho ng Aksyon Ngayon.

Patay kaagad ang mga biktima na nag-iinuman lamang sa harap ng tindahan sa Commonwealth Village , Quezon City nang paputukan ng mga suspek.

Kaugnay na balita: 2 kolumnista utas sa pananambang sa QC

Tumanggi namang pangalanan ni Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Superintendent Richard Albano ang isa sa mga suspek na hanggang ngayon ay pinaghahahanap pa.

Sigurado si Albano na walang kinalaman sa trabaho ang pamamaslang dahil wala namang naisulat na mga kontrobersyal na paksa ang dalawang biktima.

Show comments