Protection order hiling ni Claudine vs Raymart

MANILA, Philippines – Humingi ng temporary protection order ngayong Lunes ang artistang si Claudine Barreto para sa asawang si Raymart Santiago.

Naghain ng protection order si Barreto sa Marikina Regional Trial Court upang hindi siya malapitan ni Santiago.

Nitong buwan lamang ay inamin ni Barreto na hindi na sila magkasama sa isang bahay ni Santiago.

"Pumupunta-punta siya sa bahay a few weeks ago, 'til hindi naging maganda yung kinalabasan nun," pahayag ni Barretto sa isang panayam sa telebisyon noong Hulyo 8.

Kaugnay na balita: Claudine hindi na ginagamit ang apelyidong Santiago

Kadalasang naglalabas ng protective order ang korte kapag mayroong  nagaganap na stalking, harassment, harm to minors o sexual assault.

Kaugnay na balita: Matapos ang masalimuot na paghihiwalay, Raymart at Claudine pareho nang masaya sa buhay

 

 

Show comments