Belmonte kay Pacquiao: Training ka muna sa Senado

File photo ni Sarangani Province Rep. Manny Pacquiao. BOY SANTOS  

MANILA, Philippines – Matapos ihayag ni Filipino boxing icon at Sarangani Province Rep. Manny Pacquiao ang kanyang kagustuhang tumakbo sa pagkapangulo, pinayuhan siya ng beteranong politiko at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na mag-ensayo sa Senado bago sumabak sa mas mataas na posisyon.

"Mag-aspire muna siya for senatorship. 'Wag naman presidente kaagad, mag-senador muna," sabi ni Belmonte sa isang press briefing ngayong Lunes.

Dagdag ni Belmonte na kahit kwalipikado si Pacquaio sang-ayon sa Saligang Batas ay mas mabuti kung kukuha pa muna ang boksingero ng karagdagang karanasan sa Kongreso.

"Kailangang mag-senador muna. Training muna tayo dun sa senatorial level," ani Belmonte.

Noong nakaraang taon ay nabanggit na ni Pacquaio ang pagtakbo bilang Pangulo sa 2016 elections.

"If it's in God's plans, yes," sabi ng boksingero bago naging mambabatas.

Show comments