MANILA, Philippines – Kahit pinagbawalan, itutuloy ng militanteng grupong Bayan ang kanilang kilos protesta sa mismong araw ng ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III sa Lunes.
Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court ngayong Biyernes ang petisyon ng Bayan na magsagawa ng protesta malapit sa Batasan Pambansa sa Batasan Road, Quezon City kung saan ihahayag ni Aquino ang kalagayan ng bansa.
Hindi pinaboran ni Executive Judge Fernando Sagun ang hinihinging 72-oras na temporary restraining order ng Bayan sa kautusan ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Nitong kamakalawa ay una nang ibinasura ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang permit to rally ng grupo.
Kaugnay na balita: Permit to rally ng Bayan ibinasura ng QC gov't
Pero kahit hindi pinayagan ay sinabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes na tuloy ang kanilang protesta.
"March to push through," sabi ni Reyes sa isang text message.
Una nang inihayag ng Quezon City police na mahigpit nilang ipapatupad ang “no permit, no rally†pollicy sa araw ng SONA.