Lalaki pisat sa tren sa Makati

MANILA, Philippines – Patay ang isang 37-anyos na construction worker matapos mapisat ng tren sa Pasay Road malapit sa South Superhighway sa Makati City ngayong Martes.

Sinabi ni Makati Police chief Manuel Lukban na namatay agad ang biktimang si Rolando Diaz ng 7657 Dela Rosa St., Barangay Pio del Pilar, Makati, matapos masagasaan ng tren na pinapaandar ni Norman Cuachin, 26, ng Taguig City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, natutulog sa riles si Diaz nang masagasaan ng tren bandang 7:45 ng umaga.

Sinubukang gisingin ng isang napadaang lalaki si Diaz ngunit hindi nagising ang biktima kaya napisat ng tren na patungong Pasay Road station.

 Nasa kustodiya na ng Makati City Police Station si Cuachin para imbestigahan.

 

Show comments