'Huaning' lumakas pa - PAGASA

MANILA, Philippines – Lumakas pa ang bagyong “Huaning” habang lumalapit sa Batanes province ngayong Huwebes ng umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) namataan ang mata ng bagyo may 810 kilometro silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes kaninang alas-10 ng umaga.

Lumakas pa ito sa 185 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 220 kph habang gumagalaw ito pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 20 kph.

Mananatili ang bagyo sa Batanes hanggang bukas ng umaga at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado.

Nakataas pa rin ang public storm warning number 1 sa Batanes Group of Islands.

 

Show comments