MANILA, Philippines – Matapos pumutok ang isyu ng “sex-for-flight†sa Gitnang Silangan noong nakaraang buwan, nagpadala ng mga babaeng labor officials ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Pinirmahan ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz ang pagpapadala ng 14 opisyal, 13 dito ay mga babae, kabilang si Labor Attaché Linda Herrera na hipag ni dating Senador Boy Herrera.
Siyam sa mga tutulak patungong Gitnang Silangan ay sa Saudi Arabia maitatalaga, tatlo sa Jordan at dalawa sa Kuwait.
Samantala, pinalawak na rin ni Baldoz ang sakop ng imbestigasyon sa isyu ng prostitusyon kapalit ng pagpapauwi sa mga na-stranded na overseas Filipino Worker.
“The scope and coverage of the team has been expanded even before (Akbayan Party-list) Rep. Walden Bello had revealed over the weekend more tales of sexual exploitation against OFWs in Al-Khobar, Saudi Arabia," sabi ni Baldoz.
Noong Hunyo ay isiniwalat ni Bello ang kalakaran sa Gitnang Silangang kung saan pawang mga labor officials ang nasa likod nito.
May mga lumutang na testigo laban sa mga labor officials, ngunit may mga nagtanggol din, partikular kay Riyadh assistant labor officer Antonio Villafuerte.
Siniguro ni Baldoz na magiging transparent sila sa imbestigasyon at regular na magbibigay ng updates sa publiko.